By: Rosario T. Medina (10AM, April 11, 2003)
Refrain: OH, GILIW KO, SAAN KA MAN
LAMAN KA NG ISIP MAGPAKAILANMAN
LIMUTIN AY DI KO MAGAWA
MANIWALA KA, DI KO MAGAWA
I. ANONG SAYA KO, KAPAG LAGI KANG KAPILING
NGUNI’T BA’T BA SA ISANG IGLAP
AY BIGLA KANG LUMAYO
MAY NAUSAL BA AKONG DI MO NAIBIGAN?
O, BAKA KAYA NAMAN, MAYROON AKONG NAIPANGAKONG
DI KO NATUPAD NA NAGING SANHI NG ‘YONG PAGLAYO ?
Repeat (Refrain)
II. IKAW LAMANG ANG BUHAY KO
SANA’Y MAGBALIK KA
‘YAN ANG SAMO KO,
NAGDURUGO ANG AKING PUSO
PAKIUSAP, MAGBALIK KA NA…….
Repeat (Refrain)
LIMUTIN AY DI KO MAGAWA
Leave Your Comments